Isyu

Hi! Ngayong araw, napagdesisyonan ko na i-blog ang aming nakaraang aralin sa Araling Panlipunan. Ito ay tumatalakay sa mga isyu na may kinalaman sa gender at kasarian.

Ang ating bansa ay may kinahaharap na isyung may kinalaman sa gender at kasarian isa na dito ang isyu sa karapatan ng kababaihan. Ito ay isang isyu sapagkat maraming bansa sa mundo na ang kultura ay dominado ng lalaki (male dominated), may mga karapatang ibinibigay sa mga kalalakihan ngunit hindi sa mga kababaihan. Mayroon ring mga kaso ng hindi magandang trato sa mga kababaihan tulad ng may mga bansa na ang mga kababaihan ay walang karapatang bumoto. Sa edukasyon, may mga kursong hindi maaring kunin ng mga kababaihan. Malimit ding ang mga babae ay biktima ng mga pang-aabuso gaya ng panggagahasa, pangmomolestiya, bullying, at pang-aabuso sa pananalita.

May mga Salik na nagiging dahilan ng Pagkakaroon ng Diskriminasyon sa Kasarian at ang mga ito ay Relihiyon at Kultura, Pisikal na Kaanyuan, Trabaho at Edukasyon.

Ang nasabing dahilan ang nakaapekto kung kaya nalimitahan ang karapatan ng mga kababaihan. May mga batas ang bansang Pilipinas na isinulong upang maiwasan ang diskriminasyon sa gender at kasarian. Isa sa mga batas na ito ay ang Republic Act No. 10354- The Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012.

Republic Act No. 10354- The Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012.

Kilala sa tawag na Reproductive Health Law o RH Law na may probisyong ukol sa pangangalaga sa kalusugan ng isang ina at kaniyang anak.

Naisabatas na ibigay sa mga kababaihan ang pantay na karapatan dahil ang mga kababaihan ay may malaki at mahalagang maiaambag sa kaunlaran ng isang bansa.

Published by Pamela

a four-leaf clover

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started